![]() Balot ka pa rin ba ng kalungkutan? Natatakot pa rin ba ng kadiliman? Kuminang na ang mga bituin, nagtipon na ang mga anghel, nariyan na ang sabsaban at narito na rin ang makabagong mago sa iyong harapan. Hinahanap namin ang mga mago, ngunit sinong pinakita mo? Silang mga nag-aalay ng buhay para sa kapwa tao. ![]() Oh punò ng pag-asa, anong mensahe mo? Kasimplehan ng unang pasko? Oo at sa isang sabsaban, sumilong si Kristo! bakit may punò dito? Bakit nagliliwanag muli ang mga bumbilyang ito? Ano ang gusto nilang maalala mo? Paskò? Kaya pa ba? Ah baka hindi na! Kalimutan na ang keso at hamonado, pati na ang paboritong ulam mo! Malabong matuloy ang paskò! Ano nga ba ang ikasasaya natin sa taong ito - taon ng pagdurusa at mga delubyo, ng pandemyang kumitil at nagpahirap sa mga tao? Alanganin na nga ang regalo, baka pati pa aguinaldo mo. Pls like and share KMC Printing "PUNO NG PAGASA"
0 Comments
Leave a Reply. |